Isang malaking Oops! ang nangyari sa tweet ng Quebec health ministry kamakailan sa Canada. Sa halip na sa COVID-19 portal mapunta ang magki-click sa link na nakalagay sa tweet, sa adult video site na Pornhub napunta ang mga tao.
Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, kaagad na binura ng ministry ang tweet nang malaman ang pagkakamali at tungkol sa "foot fetishes" ng Pornhub ang nakalagay sa link.
"Due to a situation beyond our control, a link with inappropriate content was posted on our Twitter account," ayon sa ipinadalang email ng minitry sa AFP.
Iniimbestigahan na rin umano nila ang insidente.
Mayroong mahigit 100,000 Twitter followers ang health ministry.
Magkakaiba naman ang naging reaksiyon ng netizens nang makita ang naturang link. May mga naaliw, nainis at dismayado.
Ang Pornhub ang isa sa itinuturing world's most-trafficked websites na nakabase sa Montreal at pagmamay-ari ng MindGeek. — AFP/FRJ, GMA News