Mula sa pagiging dating journalist at miyembro ng parlamentarya ng Ukraine, isa na ngayong missile operator si Tetyana Chornovol, na nagpapasabog ng mga tangke at armored vehicles ng Russia na sumasalakay sa kanilang bansa.

Sa ulat ng Reuters, sinabing kabilang si Chornovol sa mga nakaposisyon sa frontline trenches upang pigilan ang pagpasok ng tropa ng Russia sa kanilang kabisera na Kyiv.

Nakatoka si Chornovol bilang anti-tank guided missile operator. Posisyon na mahalaga para masindak ang mga kalaban.

Ikinuwento niya kung papaano niya pinasabog ang isang tangke at mapigilan ang pag-atake ng kalaban.

"I switched it on and saw tanks on the screen. They just entered within the range of my missile. I took aim and destroyed the first tank," kuwento niya.

"Interestingly, the rocket was flying for quite some time. Perhaps the tanks registered the rocket's launch and managed to turn back. But I shot it right at the fuel tanks and the ammunition load has detonated," patuloy niya.

Matapos na tamaan ang tangke, pinaulanan umano sila ng bala ng mga kalaban.

"After that we came under fire, not for long, all during this time Russian military vehicles were turning back and escaping. So one destroyed tank was enough to stop the attack, for the column to turn back and run away,” ayon kay Chornovol.

Kilala sa kanilang bansa na isang anti-corruption campaigner si Chornovol, na isa sa mga lider ng Euromaidan protests.

Taong 2014 nang mahalal siyang miyembro ng nationalist and conservative People’s Front party, hanggang 2019.

Naging biyuda ng digmaan si Chornovol matapos na masawi ang kaniyang asawa na isang volunteer fighter sa paramilitary Azov Battalion sa labanan sa eastern Ukraine noong 2014.

--Reuters/FRJ, GMA News