May mga pumupuna at mayroon ding humahanga kay Loraine dahil sa mga video post niya na walang takot na ipinakikita niya ang mabuhok niyang kilikili.

Sa programang "Pinoy MD," sinabi ni Loraine na marami na siyang produkto at paraan na sinubukan para mapaputi ang kaniyang kilikili.

Problema rin daw niya na mabilis humaba ang buhok niya sa kilikili. Hanggang sa natutunan yata ni Loraine ang kasabihan na "if you can't defeat them join them."

Kaya sa halip na problemahin at ikahiya, natutunan ni Loraine na tanggapin ang kaniyang kilikili ano man ang hitsura at kulay nito.

Pero paglilinaw niya, malinis pa rin naman siya sa katawan at hindi niya hinahayaan na magkamoy ang kaniyang kilikili.

Ngunit ano nga ba ang sanhi ng pangingitim ng kilikili at iba pang parte ng katawan tulad ng siko at tuhod? At ano rin ang paraan na puwedeng gawin upang maiwasan ito?

Tunghayan ang mga paliwanag at kasagutan ng isang dermatologist sa video ng "Pinoy MD."

--FRJ, GMA News