Iniimbestigahan ngayon ng Depertment of Education at National Bureau of Investigation para matukoy ang mga salarin sa likod ng pag-hack sa ilang account ng mga guro. Maibabalik pa ba ang kanilang pera?

Sa Kapuso sa Batas ng Unang Hirit, tinanong din at hiningan ng opinyon si Atty. Gaby Concepcion kung sino ang dapat mag-asikaso sa pagkawala ng pera--ang mga guro ba, DepEd o ang bangko?

Ayon kay Atty. Concepcion, sa ngayon ay mahalaga na malaman ang magiging resulta ng imbestigasyon ng NBI o anti-cybercrime group kung ano nga ba ang tunay na nangyari at nakuha ang pera ng mga guro.

Sa ngayon daw kasi, may mga espekulasyon kung na-hack ba at nakompromiso ang account ng mga guro o naging biktima ng phishing scam ang mga guro.

Kailangan din umanong malaman kung sadya bang pinuntirya ng hacker ang mga guro. At kung lalabas na totoo ito, papaano nalaman ng hacker ang impormasyon ng mga guro.

Kasabay nito, ipinaliwanag ni Concepcion ang patakaran kung nabiktima ng phishing scam ang isang tao. Panoorin ang buong pagtalakay sa usapin sa video.

--FRJ, GMA News