Humilera na hugis hiringgilya ang nasa 700 tupa sa Schneverdingen, Germany para mahikayat ang mga tao na magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Ayon sa ulat ng Reuters, ang Germany ang may pinakamababang vaccination rates sa Western European nations. Marami umano ang hindi makapagdesisyon kung magpapabakuna at hindi naman lubos na tutol sa bakuna.
"Sheep are popular with people and carry positive emotional connotations. So perhaps they can reach many people emotionally when logic and scientific reasoning don't do the job," ayon sa organiser ng vaccination campaign na si Hanspeter Etzold.
"I have noticed how enthusiastically the sheep are received and that it simply reaches people deep inside, which is perhaps not possible rationally, with rational arguments," dagdag pa niya.
Papaano nila napaporma ang mga tupa na maghugis hiringgilya?
Naglagay ang may-ari ng mga tupa na si Steffen Schmidt at kaniyang asawa ng mga piraso ng tinapay na hugis hiringgilya na 100 metro ang haba.
Gumamit din sila ng drone para makuhanan ng video ang pagpuwesto ng mga tupa.
Ayon sa German Robert Koch Institute for infectious diseases, 71.3% ng populasyon ng Germany ang mayroon nang two doses ng COVID-19 vaccine at 39.3% na nakatanggap na ng booster shots nitong Martes.
Sa kabila nito, ang Germany pa rin ang bansa sa Western Europe na mayroong lowest vaccination rates, batay sa datos ng European Centre for Disease Prevention and Control.
Nasa 5%-10% ng Germans ang tutol sa bakuna habang undecided naman ang natitira pa, ayon sa RKI data.--Reuters/FRJ, GMA News