Nakasama ang P20 new generation currency (NGC) coin ng Pilipinas sa mga finalist bilang best new coins sa International Currency Awards, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, inanunsyo na finalist ang P20 NGC coin para sa Excellence in Currency 2022 Awards sa ilalim ng Best New Coin o Series of the International Association of Currency Affairs (IACA).
Ang mga finalist ay pinili sa 39 nominated projects ng 20 central banks, tatlong commercial banknote issuers, siyam na suppliers sa banknote industry, at isang banknote distribution system.
Ang mga mananalo ay ihahayag ng IACA — isang international exchange for consultation and collaboration on the cash payments cycle — sa February 22, 2022.
Taong 2019 nang ilunsad ang P20 NGC coin na makikita si dating Pangulong Manuel Quezon, at kabilang bahagi ang BSP logo, at ang Malacañan Palace naman sa kabilang bahagi ng barya.— FRJ, GMA News