Apat na minuto nang kausap ni Willie Revillame ang lucky caller, na ang buong akala naman ay pamangkin niya ang kaniyang kausap na gusto siyang bigyan ng pera.
Sa programang "Wowowin-Tutok To Win," nagpanggap si Kuya Wil na siya ang pamangkin ng caller matapos na magbanggit ito ang pangalan.
Napunta na ang pag-uusap nila tungkol sa police clearance, kawalan ng kuryente at pati na ang nanay ng pamangkin.
Nagkunwari naman si Kuya Wil bilang pamangkin na nanalo siya ng P30,000 dahil natawagan siya ng "Wowowin-Tutok To Win."
Natuwa ang caller sa inakala niyang pamangkin dahil natawagan ni Willie gayung siya raw na isang taon nang nagpapadala ng mensahe ay hindi pa natatawagan.
Kaya sabi ni Kuya Wil na ang akala pa rin ng caller ay pamangkin niya, na ipadadala niya ang buong P30,000 sa kaniya.
Pero tumanggi ang caller dahil "nakakahiya" at bigyan na lang siya ng balato.
Gayunman, nagpumilit ang "pamangkin" na hindi niya kailangan ang pera kaya ipapadala na lang niya. Doon pa lang nakatunog ang caller na si Kuya Wil ang kausap niya pagkaraan ng mahaba nilang pag-uusap.
Panoorin ang nakatutuwang pag-uusap nila sa video.
--FRJ, GMA News