Samu't saring armas at mga personal na gamit ng mga miyembro umano ng New People's Army (NPA) ang natuklasan ng mga sundalo sa Balbalan, Kalinga.

Sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing kabilang sa mga natagpuan ng 5th Infantry Division ng Philippine Army ang daan-daang bala ng baril, improvised explosive device at ilang personal na gamit ng mga NPA umano sa Barangay Gawa-an.

Sinabi ng 5th Infantry Division ng Philippine Army, na natuklasan nila ang mga kagamitan matapos ang pagpapatrolya sa lugar.

Hinihinala nilang dating kampo ng mga rebelde ang lugar.

—Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News