Hindi makapaniwala sa labis na tuwa ang isang fan nang malaman niyang ibinigay sa kaniya ng Hollywood star na si Dwayne “The Rock” Johnson ang sarili nitong pick-up truck.

Sa Instagram account ni Dwayne, ipinost niya ang video nang ibigay niya ang kaniyang sasakyan kay Oscar Rodriguez, isang Navy veteran.

Kuwento ng aktor,  nag-imbita siya ng fans para sa special theater screening ng pelikula niyang "Red Notice." Dito niya rin naisip na regaluhan bilang pamasko at Thanksgiving ang karapat-dapat at may mabuting kalooban na tagahanga.

Bukod sa pagiging Navy veteran, nalaman ni Dwayne na nag-aalaga rin ng kaniyang "elderly mama” si Oscar, lider ng simbahan, nagtatrabahong personal trainer, "and supports and provides meals for women who are victims of domestic violence.”

“I always say it’s nice to be important, but it’s more important to be nice. And Oscar, exemplifies being nice and kind to his core,” sabi ng aktor sa hiwalay na post.

“On Thanksgiving he deserves a helluva lot more than just me giving him my personal truck,” ayon kay Dwayne.

Dinala ni Dwayne si Oscar sa sasakyan at may ipinabasa siyang mensahe at doon na nalaman ng fan ang regalo sa kaniya ng idolo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by therock (@therock)

 

Napaupo pa si Oscar sa gilid ng sasakyan at hindi makapaniwala sa ginawa sa kaniya ng aktor.

Ayon kay Dwayne, tinawagan niya ang nobya ni Oscar para sabihin na susunduin siya ng nobyo "in a new whip.”

“It’s the little things like this, that I get the greatest joy out of. But most importantly, I have the global platform to illuminate good, solid, grateful human beings, like Oscar,” ayon kay Dwayne. — FRJ, GMA New