Hinuhuli at ibinebenta ang itinuturing peste na invasive species na Chinese soft-shelled turtles o "ahas- pagong." Si Doc Nielsen Donato ng "Born To Be Wild," namangha nang makita ang reproductive system ng mga pagong na mabilis magparami.
Sa isang episode ng "Born To Be Wild," pinuntahan ni Doc Nielsen ang Sto. Tomas sa Pampanga, kung saan marami ang mga ahas-pagong na perwisyo sa mga taniman at mga palaisdahan.
Bukod kasi sa kinakain ng mga pagong na ito ang mga isda, sinira rin nila ang mga dike at mga tanim.
Upang mapakinabangan ang mga ahas-pagong, hinuhuli ang mga ito ay ibinebenta sa halagang P100 bawat kilo.
Pero kailangang maging maingat sa paghawak sa mga naturang uri ng pagong dahil sa lakas ng kagat nito ay maaaring makaputol ng daliri.
Dalawa sa mga nahuling pagong ay namatay na at minabuti ni Doc Nielsen na pag-aralan upang alamin kung bakit mapakabilis dumami ng mga ahas-pagong.
Nang suriin ni Doc Nielsen ang reproductive organ ng dalawang pagong --isang lalaki at isang babae--nakita niya ang kasagutan at namangha siya.
Ano ang natuklasan ni Doc Nielsen sa mga pagong at legal ba ang paghuli at pagbebenta sa mga ito? Alamin ang mga kasagutan sa video na ito ng "BTBW."
--FRJ, GMA News