Isang babae ang pinagsasaksak at napatay ng kaniyang estranged husband sa loob ng modern jeepney sa Lapu-Lapu City, Cebu. Isang pasahero pa ang nadamay at nasawi nang atakihin sa puso dahil sa nasaksihang krimen.
Sa ulat ni Decemay Padilla ng Super Radyo Cebu, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Ibo nitong Sabado.
Ayon sa Lapu-Lapu City Police Office, patuloy na pasikretong sinusubaybayan ng suspek ang biktima kahit 12 taon na silang hiwalay sa hinalang may iba na itong kinakasama.
Sa loob ng jeepney, anim na beses na sinaksak ng suspek ang biktima.
????????????????????????: ???????????????????????????????????????????? ????????????????
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 30, 2024
Misis, pinatay sa saksak ng kanyang mister sa loob ng modern jeepney sa Lapu-Lapu City, Cebu. | via Decemay Padilla, Super Radyo Cebu pic.twitter.com/R1VHTSQTA5
Sa gitna nang nangyaring krimen, isang babaeng pasahero pa ang nasawi nang atakihin sa puso.
Nagtangka pang tumakas ang suspek pero naaresto rin. — FRJ, GMA Integrated News