Nabiktima rin ng mga kawatan ang NBA player na si Luka Doncic matapos na pasukin ang kaniyang bahay sa Dallas, USA.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Lunes, sinabi ng business manager ni Luka na wala umanong tao sa bahay ng basketbolista nang mangyari ang krimen.
Umaabot umano sa sa $30,000 o katumbas ng P1.7 milyon ang halaga ng mga alahas na natangay ng mga kawatan mula sa bahay ni Luka.
Nagsumbong na rin sa pulisya ang NA player para imbestigahan ang insidente.
Mula nitong nakaraang Setyembre, ilang atleta na rin ang nabiktima ng mga kawatan sa Amerika.--FRJ, GMA Integrated News