Naiyak sa labis na kasiyahan ang isang ina sa Maguindanao nang matawagan siya ni Willie Revillame dahil mabibigyan siya ng tulong para sa apat niyang anak.
Ayon sa ginang nang matawagan sa programang "Wowowin-Tutok To Win," mag-isa niyang itinataguyod ang apat niyang anak dahil nakakulong ang kaniyang mister.
Tumutulong lang daw siya sa kapatid ng kaniyang asawa at pinagkakasya na lang niya ang anumang halaga na ibinibigay sa kaniya.
Kuwento pa ng ginang, nakikikain na lang sila ng kaniyang mga anak sa kaniyang biyenan tuwing hapunan dahil sa hirap ng buhay.
At kung minsan, nararanasan daw nilang asin at tubig na lang ang ulam.
Labis ang kaniyang kasiyahan ng ginang dahil malaking tulong sa kanila ang anomang maibibigay sa kanila ni Kuya Wil. Panoorin.
--FRJ, GMA News