Bago katakutan bilang ang mga dambuhalang buwaya, kailangan muna nilang malampasan ang mga panganib nang pagiging baby crocodile. Kabilang na rito ang mga langgam na puwedeng pumapak sa kanila habang nasa itlog pa lang.
Sa "Born To Be Wild," sinabing hindi lang ang mga inahing bukarot o Philippine freshwater crocodile ang nagbabantay sa kanilang pugad o mga itlog, kung hindi maging ang mga Tropical fire ants.
Paliwanag ni Dr. Nielsen Donato, ang mga itlog ng buwaya ay para ring mga itlog ng ibon na may likidong albumin, na kinahuhumalingan ng mga langgam.
Grupo kung umatake ang mga naturang langgam para sirain ang mga itlog, na dahilan ng pagkamatay ng sanggol na buwaya.
Kaya itinuturing isang tagumpay kapag ligtas na napisa ang itlog ng isang Philippine freshwater crocodile, na itinuring endangered o malapit nang maubos.
Tunghayan sa video ang iba pang pamamaraan ng ilang hayop para protektahan ang kanilang mga supling sa mga panganib tulad ng mga paniki at Philippine flying lemur, na sa pambihirang pagkakataon ay nakuhanan ng video habang nanganganak.
--FRJ, GMA News