Sa programang "The Boobay and Tekla Show," inamin ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na gusto niyang magkaroon ng negosyong punerarya at mag-makeup sa bangkay.

Paliwanag ng beauty queen, hindi niya gusto ang makeup sa patay sa probinsiya.

"Kasi parang puting  foundation lang, nilagyan ng kilay tapos pink na lipstick," paliwanag niya.

"Siyempre last moment na nila 'yon [dapat maganda]," sabi pa niya.

Kung matutuloy, ano kaya ang magandang pangalan sa funeral parlor ni Rabiya? Alamin sa video ang mga suwestiyon nina Boobay at Tekla. Panoorin.

--FRJ, GMA News