Dahil maganda at sexy, aminado sina Faye Lorenzo na nakatatanggap siya ng mga "indecent" proposal.
Sa pagbisita niya sa programang "The Boobay and Tekla Show," kasama si Jelai Andres, sinabi ni Faye na may nag-alok sa kaniya na mag-i-sponsor sa kaniya basta tumigil na sa showbiz.
"Puwede ba kitang sponsoran 'wag ka nang mag-artista. Ito ang offer ko sa'yo," kuwento ng sexy actress.
Binanggit din ni Faye na may nabasa rin siyang nag-alok sa kaniya ng P1 milyon.
Gayunman, hindi raw niya pinapansin ang mga naturang alok.
Sinabi rin nina Faye at Jelai na nakatatanggap sila ng mga bastos na komento.
Pagdating sa pagpo-post ng mga sexy photo, sinabi ni Faye at Jelai na walang masama na ipakita nila ang kanilang pinaghirapan sa pagda-diet at workout.
Ayon kay Jelai, dapat maging confident ang isang babae sa kaniyang sarili kahit pa mayroong mga flaws.
Samantala, nilinaw naman ni Faye na single but happy siya ngayon.-- FRJ, GMA News