Sa ika-apat na taong anibersaryo ng kanilang pagiging magkasintahan, may nakakikilig na mensahe at tanong si Barbie Forteza para sa kaniyang nobyong si Jak Roberto.

Sa Instagram, nag-post si Barbie ng larawan nila ni Jak habang naglalakad na magkahawak-kamay sa beach.

Saad ni Barbie sa caption ng larawan:

"Four years na kitang kasama. Four years na tayong nagtatawanan. Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema. Four years na tayong nagsspicy noodles. Four years na tayong masaya."

Patuloy niya, "FOUR YEARS NA AKONG MASAYA. Sana FOUREVER na. Ano sa tingin mo? @jakroberto [heart emoji] Happy 4th Anniversary, Mahal Ko! [heart emoji] I love you."

 

 


Nag-post din si Jak ng larawan nila ni Barbie sa isang biyahe nila sa isang malamig na lugar kung saan tinawag niyang "the one" ang kasintahan.

"Too many to mention mahal ko. Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang THE ONE," ayon kay Jak sa caption ng larawan.

"Salamat sa pag intindi at salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin! Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!!!," patuloy ng aktor.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

 


Taong 2017 nang maging magkarelasyon ang dalawa, at marami ang sumuporta sa kanilang kulitan bilang magkasintahan na makikikita sa kanilang vlog.--FRJ, GMA News