Suspendido ang klase sa paaralan at pasok sa sangay ng gobyerno sa ilang lugar sa bansa sa Biyernes, November 15, 2024, dahil sa posibleng epekto ng bagong bagyong “Pepito.”
Ayon sa State weather bureau na PAGASA, lumakas at nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Huwebes ng gabi si Pepito, ang ika-15 bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2024.
Sa ulat ni Amor Larrosa sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabing taglay ni Pepito ang pinakamalakas na hangin na hanggang 85kph, at pagbugso na 105 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 30kph pa-west southwest, na batay sa forecast track ng PAGASA ay posibleng tumama sa kalupaan ng Bicol region sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.
Kasama rin sa direksiyon na posibleng daanan ni Pepito ang CALABARZON, Metro Manila at Central Luzon.
Ayon kay Larrosa, may posibilidad pang magbago ang direksyon ni Pepito depende sa galaw at lakas ng high pressure area (HPA) sa may bahagi ng Japan kung maitutulak nito pababa o mapaangat ang bagyo
Bilang pag-iingat, ilang lokal na pamahalaan ang nang-anunsyo na walang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno sa Biyernes, Nov. 15.
- Albay province – all levels, public and private from 12 noon, November 14, until lifted; work in government offices except those related to public safety, disaster risk reduction, health, and related services.
- Camarines Norte - all levels, public and private; government offices except those involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness/response, and other vital services.
- Catanduanes province – all levels, public and private; government offices except those involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness/response, and other vital services.
- Cagayan-- all levels, public and private schools
- Camarines Sur-- all levels, public and private schools
- Sorsogon-- all levels, public and private schools
- Masbate-- all levels, public and private schools
- Quirino province-- all levels, public and private schools
CORDILLERA AUTONOMOUS REGION
Mountain Province
- Paracelis - kinder to grade 12, public and private
REGION II (Cagayan Valley)
Isabela
- Echague - all levels, public and private
- San Isidro - all levels, public and private; work in government offices
- Santiago City - all levels, public and private
REGION IV-A (CALABARZON)
Batangas
- Alitagtag - all levels, public and private
REGION IV-B (MIMAROPA)
Occidental Mindoro
- Mamburao - all levels, public and private, until November 18
REGION VIII (Eastern Visayan)
Biliran
- Naval - all levels, public and private; no work in government offices
- Eastern Samar
- Guiuan - all levels, public and private
- Northern Samar - all levels, public and private
- Samar
- Damar - all levels, public and private
i-refresh ang page para sa updates. —FRJ, GMA Integrated News