Agaw-pansin ang isang truck na bumibiyaheng may kargang malaking bahay-kubo sa Koronadal, South Cotabato.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, nakuhanan ng video ng isang motorista ang truck na may kargang bahay-kubo pero walang nakalagay na "warning" o signage para magbigay babala sa ibang sasakyan.
Ayon sa ulat, delikado at maaaring makaaksidente ang ginawa ng truck driver.
Mayroon umanong patakaran ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tungkol sa laki ng mga materyales na dapat ibinibiyahe at dapat ikuha rin ng permit.
Ang mga lumalabag sa naturang patakaran ay may multang P1,000. --FRJ, GMA News