Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, natuto ang ilan sa ating mga Pinoy na dumiskarte at maghanap ng karagdagdang pagkakakitaan. Pero totoo nga ba na kapag lumalaki na ang kita, lumalaki rin ang gastos kaya ang resulta, kinakapos pa rin?
Sa online program na "Pera Paraan," ito ang tinugunan ng licensed financial advisor na si Antonette Aquino para sa mga tao na nakararanas ng naturang problema.
Binanggit ni Aquino ang payo ng businessman na si Robert Kiyosaki na "Pay yourself first" at "Treat your savings like paying a bill" para laking may naitatabi.
Bukod dito, huwag ding hayaan na matulog ang lahat ng pera sa bangko dahil magde-"depreciate" ito dulot ng inflation.
Nilinaw din ni Aquino na ang investing ay hindi para sa mga mayayaman lang, at "savings is more of a mindset." Panoorin ang buong pagtalakay tungkol sa pangangalaga sa kita sa videong ito. --FRJ, GMA News