Umapela si Willie Revillame sa publiko na huwag nang i-bash si Miss Manila Alexandra Abdon dahil nagkaayos na sila ni "Hipon Girl" Herlene.
"Iki-clear ko lang si Hipon ho at si Miss Manila hindi ho magkaaway 'yon, nagkaayos na ho 'yon. Ganun lang naman nagkakabiruan sila," paliwanag ng host ng "Wowowin-Tutok To Win."
"Kawawa naman si Miss Manila 'wag naman i-bash. Sa totoo lang mabait na bata. Nung kumakain kami tahimik siya," sabi pa ni Kuya Wil.
Nagpaliwanag din daw si Miss Manila na nagbibiro lang siya noon kay Hipon.
Kamakailan lang ay nagkaharap na sina Hipon at Miss Manila nang personal nang magtungo sa programa ang huli.
Nagpaliwanagan din ang dalawa tungkol sa isyung nangyari sa kanila noon.
--FRJ, GMA News