Mula nang magka-lockdown, marami ang nahilig sa pag-aalaga ng mga halaman. Ang iba, libu-libo raw ang presyo ng mga pet plant. Pero totoo nga ba na mayroon isang uri ng halaman na aabot sa milyon ang presyo dahil sa pambihira nitong bulaklak?
Ang naturang halaman na tila "one-night" only kung magtanghal ay tinatawag na "Queen of the Night," dahil sa gabi lang siya namumukadkad at isang beses lang mangyari sa isang taon.
Bukod sa napakanda ng kaniyang bulaklak, napakabango rin daw nito.
Bukod sa "Queen of the Night," tinatawag din ang naturang halalan na "Encantada" o kaya naman ay "Fairy's Plant," dahil natutupad daw ang hiling kapag ito'y namukadkad.
Ang ginang na si Rosenda ng Baroy, Lanao del Norte, napansin na ang kaniyang halaman na "Arwaka," na iniregalo sa kaniya ng kaniyang ninong sa kasal noon, tila katulad daw ng "Queen of the Night," na sinasabing umaabot daw sa milyones ang presyo.
Minsanan din lang daw kasi kung mamulaklak ang kaniyang Arwaka at natutupad daw ang kaniyang mga hiling sa naturang halaman.
Tama kaya ang hinala ni Rosenda sa kaniyang halaman at maging milyonarya na kaya siya kung totoo na milyones ang halaga nito? Panoorin ang kasagutan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News