Para mapabilis ang pagsaklolo sa taong nangangailangan ng tulong maging sa mga kabundukan, pinag-aaralan ang paggamit ng jet suit para sa mga paramedics sa England.
Sa ulat ng Reuters, ipinasilip ang ginawang pag-test sa jet suit kung saan may nakalagay na maliit na mga jet sa braso at likod ng piloto. Dumaan ang piloto na tila si Iron Man sa lawa at bulubunduking bahagi ng Lake District.
“Who knows what the future holds but this is a start we are very proud of,” sabi ni Richard Browning, ang test pilot at suit inventor.
Sa pamamagitan umano ng jet suit na ginawa ng UK-based Gravity Industries, magagawa ng paramedic na makaresponde nang mabilis at masagip ang buhay ng taong nangangailangan ng tulong.
“The potential is just huge,” ayon sa helicopter paramedic Andy Mawson. “The first flight in Cumbria from a jet suit that is going to save lives and ease suffering - an incredible moment.
“It’s absolutely astounding how quickly we’re going to be at somebody’s side that needs us,” dagdag niya.
These jet suits for emergency responders could reduce response times https://t.co/gLdI2mSnWE pic.twitter.com/VXUn4iwNKx
— Reuters (@Reuters) September 30, 2020
Sa isang test simulation, isang 10-year-old girl ang kunwaring nahulog sa bangin at nagkaroon ng matinding pinsala.
Matapos matukoy ang kinaroroonan ng bata, isinuot ni Browning ang jet suit paramedic at lumipad.
Narating niya ang bata sa loob lang ng 90 segundo.
Ayon sa kompanya, tinatayang 25 minuto ang gugugulin ng paramedic kung lalakarin ang lugar na kinaroroonan ng bata.
Kaya lumipad ang jet suit ng hanggang 12,000 feet ang taas, sa bilis na hanggang 32 miles per hour.
Ang Lake District ay isang kilalang pasyalan ng mga hiker. Batay sa impormasyon ng Lake District Search at Mountain Rescue Association, umabot sa 584 ang tinugunan nilang emergency noong 2019 sa lugar. --Reuters/FRJ, GMA News