Kung maraming bata ang nahuhumaling sa mga gadget bilang laruan at libangan lalo na ngayong may pandemic, ang isang walong-taong-gulang na bata sa Rizal na si Raizen, mga gagambang-bahay ang pagpalipas niya ng oras.
Sa isang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," makikita si Raizen na nanghuhuli ng mga gagamba sa kanilang lugar at walang takot na pinapagapang pa ang mga ito sa kaniyang mukha.
Si Raizen na rin ang nanghuhuli ng mga ipis na ipinakain niya mismo sa mga gagambang inaalagaan.
Ayon kay Raizen, nakakakiliti raw ang gagamba at nakakaalis daw sa kaniya ng stress.
Nagagawa rin daw ni Raizen na biruin ang tindera sa kanilang lugar kung saan gagamba ang kaniyang iniaabot sa halip na bayad sa binili.
Pero bakit nga ba ang mga gagamba ang nakahiligan ni Raizen na paglaruan? Hindi kaya ito magdulot ng peligro sa kaniya kapag nakagat? Panoorin ang episode na ito ng "KMJS."
--FRJ, GMA News