Marami ang humanga sa transformation ng isang lumang bahay sa Cavite na mistulang bodega. Pero mas makahanga-hanga ang motibasyon ng lalaking nasa likod ng pagpapaganda ng bahay dahil sa dami ng pagsubok na hinarap niya sa buhay.
Sa ulat ni MJ Geronimo sa GMA Online News "Stand For Truth," ibinahagi ni Perry Dave Binuya, ang mga problemang kinaharap sa panahon ng pandemic tulad ng pagkawala ng trabaho at pagkakasakit ng kaniyang mga kapatid.
Pero sa halip na panghinaan ng loob, pinilit niyang binaliktarin ang mga negatibong nangyayari sa kaniyang buhay at ginawang positibo sa pamamagitan ng pag-abot sa kaniyang pangarap.
Hindi man naniniwala noon ang kaniyang mga kakilala na magagawa niyang baguhin at pakinabangan ang lumang bahay, pinatunayan ni Perry na kaya niya sa loob lamang ng halos dalawang buwan. Hindi nga lang biro ang gastos.
Tunghayan kung papaano ginawa ni Perry na pagandahin ang lumang bahay kaniyang lola, at ang mga pagsubok sa buhay na kaniyang hinarapat sa ulat na ito ng "STF." Panoorin.--FRJ, GMA News