Dahil dumadami ang nahihilig sa paghahalaman ngayong may pandemic, tumaas na ang demand at presyo ng mga ito. Ang isang kakaibang halaman na itinuturing "celebrity" kapag may mga exhibit, nagkakahalaga raw ng mahigit P1 milyon. Alamin kung ano ito.
Sa isang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinakita ang mamahaling halaman na Sansevieria rorida (BG Regale), nakalagay sa istante para maprotektahan.
Sabi ng may-ari ng halaman, kung minsan ay nilalagyan din ng security guard ng mall ang halalan kapag isinama ito sa mga exhibit.
Ang BG Regale ay resulta raw ng mutation breeding. At dahil mahirap daw ang proseso para ma-breed ang halaman, naging mahal ang presyo nito.
May mga gusto raw na bilhin ang naturang halalan na ang pinakamalaking inialok na halaga ay umabot sa P10 milyon.
Tunghayan kung papaano nga ba nagawa ang BG Regale at kung papaano binago ng paghahalaman ang buhay ng ilan sa ating mga kababayan. Panoorin.
--FRJ, GMA News