Hindi inasahan ng isang highway 'trooper' sa Utah na isang batang lalaki na limang-taong-gulang ang makikita niyang nagmamaneho ng isang SUV na kaniyang sinita dahil hindi maayos ang pagpapatakbo.
Sa Facebook ng post ng Utah Highway Patrol, sinabing namataan ng isa nilang tauhan ang isang mini-SUV na nagpapalipag-lipat ng linya sa highway kaya sinundan ito at pinara.
Ang nasa isip umano ng tropper ay baka may problema o nakainom ang driver.
Maayos naman na tumigil sa gilid ng highway ang SUV at nilapitan ng trooper.
Kuwento ng trooper, sa umpisa pa lang ay napansin na siyang kakaiba dahil hindi niya makita ang ulo ng driver mula sa bintana. At nang silipin niya ang tao sa likod ng manibela, nakita na niya ang bata.
Napa-wow na lang ang tropper nang sabihin ng bata ang kaniyang edad.
“He decided to take the car and go to California to buy one himself,” saad ng pulisya sa isang tweet. “He might have been short on the purchase amount as he only had $3 in his wallet.”
Inihatid ng mga awtoridad sa kanilang bahay ang bata na nakabiyahe umano sa layong dalawa hanggang tatlong milya.
Hindi na kinasuhan o pinagmulta ang bata o ang kaniyang pamilya.
Mapapanood ang video sa pagsita sa bata sa Twitter post ng Reuters.
A five-year-old driving a car was stopped on a U.S. highway by a trooper. The boy had left home in his parents' vehicle after arguing with his mother, who had told him she would not buy him a Lamborghini https://t.co/63IkW2YHK9 pic.twitter.com/rfTWQmwf8f
— Reuters (@Reuters) May 6, 2020
--FRJ, GMA News