Natural lang siguro sa mga bata na mapaiyak kapag binubunutan ng ngipin, pero kakaiba ang naging reaksyon diyan ng isang bata sa Oriental Mindoro, kaya naman instant sikat siya sa internet!
"Ang pangit ko na! Ang pangit ko naaaa!"
Kuwento ng nanay ng pitong taong gulang na si Lada, kinailangan na nilang ipabunot ang ngipin ng bata dahil umuuga na.
Pilitan pa nga raw na mapapunta nila sa dentista si Lada.
OK naman daw at nakakangiti na ngayon si lada.
Lagi raw nilang sinasabihan ang bata na tutubo rin naman ang ngipin niya at maganda pa rin siya kahit bungi na! —JST, GMA News