“Ang pagpapalit ng lucky charms, kasi nagpapalit tayo ng energies kada taon. So, kung meron tayong lucky charms last year, mas better na itabi na lang po muna natin,” paliwanag ng Feng Shui consultant na si Master Michael De Mesa.
Ayon kay De Mesa, hindi na maaaring muling magkaroon ng bisa o “palakasin” ang mga nagamit nang lucky charm.
Para sa 2024, sinabi niya na ilan sa mga accessories na maaaring gamiting pampasuwerte ang mga medallion, keychain, ring, at card na puwedeng ilagay sa likod ng cellphone o wallet.
“Puwede sila magbigay sa atin ng proteksiyon to enhance the luck and then to have a windfall luck din,” sabi ni De Mesa.
Sa pagsalubong ng Chinese New Year, iwasan ang pagsusuot ng kulay itim at kulay puti, at magsuot ng pula dahil ito ay “exceptionally lucky.”
May tatlong klase naman ng “cleansing” para sa mga jewelries at accessories.
Una ang paggamit ng crystal bowl o cleansing bowl, na lumilikha ng vibrations na siyang nag-a-activate ng crystals.
Pangalawa naman ang incense o sage na gagamitin para pausukan ang bracelet.
Pangatlo at pinakapraktikal ang rock salt at Himalayan salt kung saan maaaring ipatong rito ang bracelet ng 30 minuto.-- FRJ, GMA Integrated News