Tinaguriang "living fossils" na 450 milyon taon nang nabubuhay sa mundo at nauna pa sa mga dinosaur, may mahalagang papel pa ring ginagampanan ang horseshoe crabs sa medesina, lalo sa pagbuo ng mga bakuna tulad ng panlaban sa COVID-19.
Sa Next Now ng GMA News, sinabing ginagamit ang dugo ng Horseshoe crabs para masubukan kung ligtas ba ang mga bakuna, gamot, implants at iba pa.
May taglay na enzime ang kanilang dugo na kayang tumukoy ng "endotoxins," o mga masamang bacterial components.
"We now have a whole wave of vaccines being produced and developed for the battle against COVID-19, and they're being tested on the same test made from the horseshoe crab blood," sabi ni Glenn Gauvry ng Ecological Research and Development Group.
Pero dahil sa overharvesting, nanganganib nang maubos ang Horseshoe crabs. Kaya itinuturing na silang protected species.
Naghahanap na ang mga researcher at pharma company ng puwedeng maging alternatibo sa kanilang dugo.-- FRJ, GMA News