Ginagamit na rin ang teknolohiyang "deepfake" o pagpapagalaw ng mga larawan gamit ang artificial intelligence para makatulong sa paghahanap ng mga nawawalang tao sa United Kingdom.
Sa "Next Now" ng GMA Public Affairs, sinabing may masamang reputasyon ang deepfake dahil madalas itong ginagamit para makapanloko ng mga tao.
Pero sa halip na makapanlinlang, ginamit ng isang charity sa nasabing bansa ang deepfake dahil epektibo ito para mabigyang pansin at tulungang mahanap ang mga nawawalang tao.
"We want people to help, and we think these digital screens using this basic human psychology - somebody smiling at you, something looking out for you, imploring you to help - is going to make a difference," sabi ni Jo Youle, CEO ng Missing People.
Base sa mga pag-aaral ng behavioral science, mas napapansin ng tao ang isang bagay kapag gumagalaw at interactive ito.
Kaya maituturing ang deepfake technology bilang bagay na kailangan sa panahong marami nang distraction ang mga tao.
"We might only get a second or two to capture someone's attention and get them orientated towards our message so making them more active rather than passive is going to be really important," sabi ni Steve Martin, isang behavioral scientist.--FRJ, GMA News