Sa halagang P20,000 na puhunan, kumikita na ngayon ng P28,000 kada buwan ang isang negosyante dahil sa kaniyang pugulot business. Paano nga ba ito sinisimulan at pinalalago?

Sa Pera Paraan, sinabing taong 2019 nang bumili ang negosyanteng si John Lumibao ng fertile egg ng pugo sa Santiago City, Isabela.

Natuto si Lumibao sa pamamagitan ng panonood ng agribusiness online, at plano niyang gawin itong side business lamang.

Pero nagkaroon ang pandemya kaya nagdesisyon siyang gawin na itong full-time at palaguin.

Nahirapan silang ibenta noong una ang mga pugulot dahil hindi pa pamilyar ang mga tao sa kanilang lugar tungkol rito, pero naging marami rin ang naging repeat buyers at suki na rin.

Sa ngayon, kumikita siya ng P7,000 kada linggo at may resellers.

Alamin sa "Pera Paraan" ang proseso para maging balut ang mga itlog ng pugo, at ang masasarap na recipes na maaaring gawin mula sa mga ito.


--FRJ, GMA News