Patok ngayon ang isang negosyo sa Pulilan, Bulacan dahil sa alok nitong mainit na "tumbong soup" na tamang-tama sa pagpasok ng malamig na "ber" months.
Sa programang "Pera Paraan," itinampok ang hit na "tumbong soup" ni John Patrick Gonzales, may-ari ng "Patricio's."
Itinayo ni Patrick ang kaniyang negosyo sa kasagsagan ng pandemya, at nagsimula sa puhunang P90,000.
Pero ngayon, kumikita na sila ng mahigit P100,000 kada buwan.
"Noong unang tayo namin nitong 'Patricio's' umaabot kami ng P20,000 a day, hanggang sa medyo bumababa siya, hanggang sa nagiging P15,000," sabi ni Patrick.
Kaya sa halagang P89, maaari nang matikman ang Tumbong soup with rice.
Ano nga ba ang sikreto ni Patrick at bakit pumatok ang kanilang tumbong o pork intestine soup? Alamin sa video.
--FRJ, GMA News