Sa "Sumbungan Ng Bayan," dumulog ang isang netizen na dalawang taon nang nagbabayad para sa nakuha niya housing unit sa Pag-IBIG. Pero ang unit, hindi raw niya matirhan dahil may taong nag-'squat' sa bahay.
Ilang beses na raw nilang kinausap ang naka-squat sa unit pero nagmamatigas daw ito at ayaw umalis.
Himutok pa ng nakabiling netizen, dapat na pinaalis daw muna ng Pag-IBIG ang taong nag-squat sa unit bago nila ito ibinenta sa iba.
Ngunit paliwanag ni Atty. Luis Paredes, ang usapin sa pagbili ng naturang unit kung isinubasta ng Pag-IBIG ay "as is where is." Ibig sabihin, ang buyer o ang nakabili sa unit ang dapat na magdemanda ng eviction sa nakatira dito.
"Kung 'yan ay na-foreclosed tapos ibinenta ulit. Kunwari hindi nakabayad 'yung previous occupiers tapos ibinenta ulit [ang property] by auction, tapos doon nakapasok ang buyer, wala siyang karapatan dahil ang bentahan na ay 'as is where is," sabi ni Atty. Paredes.
Karaniwang eviction suit umano ang isasampa ng nakabili ng unit para mapaalis ang nakatira na iuutos mismo ng korte.
Panoorin ang buong talakayan sa video ng "Sumbungan ng Bayan." --FRJ, GMA News