Umaabot umano ng 32 pulgada ang laki at bigat na hanggang 40 kilos ang isang giant poodle na sobrang cute at parang stuffed toy. Pero mahirap bang mag-alaga ng ganitong uri ng aso? Panoorin.
Sa panayam ng GMA News "Unang Hirit," ibinida ng dog lover na si Mark Gonzalez, ang mga alaga niyang giant poodle.
Paliwanag ni Mark, posibleng mayroon pang mas malalaking giant poodle dahil nakadepende ang sukat ng naturang aso sa paraan ng pag-aalaga sa kanila at kanilang mga kinakain.
Ang mga mini poodle, maaaring nasa 10 pulgada lang umano ang laki, at hanggang 20 pulgada naman ang karaniwang sukat.
Para kay Mark, mas gusto niya ang mga giant kaysa sa mini dahil mas kalmado umano ang mga malalaking aso kumpara sa mga maliliit.
Maging sa pagkain, mas madali umanong pakainin ang mga malalaking poodle kumpara sa mga maliliit na kung minsan ay mapili.
Idinagdag pa niya na pangkaraniwan din lang ang pag-aalaga ng mga giant poodle pero mas bibigyan nga lang ng atensiyon sa kanilang pagpapaligo.
Paliwanag niya, kailangang tiyakin na tuyo ang kanilang balahibo upang hindi magkabuhol-buhol. Panoorin ang buong panayam sa video.
--FRJ, GMA News