Tatlong "respondent" sa pagkamatay ni Christine Dacera ang iniutos ng piskalya na palayain habang itinakda ang preliminary investigation sa kaso upang alamin kung may krimen na naganap sa sinapit ng 23-anyos na flight attendant.

Iginiit ng tatlo na inosente sila at sinabing miyembro sila ng LGBT community kaya hindi nila magagawang pagsamantalahan si Dacera na kaibigan din nila.

Pero maaari nga bang gamiting depensa ng isang tao ang kaniyang sexual orientation na nahaharap sa kaso tulad ng panghahalay?

Alamin ang paliwanag dito ni Atty. Gaby Concepcion sa "Kapuso sa Batas," at kung may pananagutan ba ang pulis kung hindi sila sumunod sa standard operating procedure, tulad ng pag-embalsamo sa mga labi ni Christine bago pa man maisagawa ang autopsy? Paanorin ang video.


--FRJ, GMA News