Malapit nang mapanood sa mga sinehan ang karugtong ng love story nina Joy at Ethan, na ginagampanan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa pelikulang "Hello, Love, Again." Pero masusundan pa kaya ito?
"Are we seeing a third sequel?" tanong ni Nelson Canlas kina Kath at Alden sa Chika Minute report sa 24 Oras nitong Miyerkoles.
"Let's talk again after we watch [the movie]," tugon ni Kathryn.
"Ayaw naming magsalita nang tapos kasi mahirap na eh," pagsegundo naman ni Alden.
Ang "Hello, Love, Again" ay karugtong ng box office hit na "Hello, Love, Goodbye" na ipinalabas noong 2019.
Mula sa Hong Kong, magpapatuloy sa Canada ang kuwento ng pag-iibigan ng mga OFW na sina Joy at Ethan.
Gayunman, inilahad nila ang kanilang mga saloobin tungkol sa kuwento ng "Hello, Love, Again"
"I think this will put an end..." sabi ni Kathryn.
"To Joy and Ethan's journey. Pagpahingahin na natin sila, kasi they have been througn a lot. But on our point of view, maybe it's time to say goodbye to Joy and Ethan but what if?" pagpapatuloy ni Alden.
Para sa kanila, kailangang ding dumating sa punto na dapat nang matapos ang love story nina Joy at Ethan.
"We can't tell. But for us personally, okay na," sabi ni Alden.
"This will answer all their questions," sabi ni Kath.
Sinagot din nina Kath at Alden ang tungkol sa relasyon na kanilang nabuo sa paggawa ng naturang proyekto.
"The friendship that we have, Kath and I. Like the whole team ng 'Hello, Love, Goodbye' 'yung friendship na nabuo. Whenever we see each other, it's like nothing has changed," ayon kay Alden.
"And I guess you can't find much of that in this industry. Mahirap nang makahanap," dagdag ng aktor.
Ipinakita rin nina Kath at Alden ang mutual admiration nila sa isa't isa sa panayam, bago ang pagpapalabas sa big screen ng Hello, Love, Again sa susunod na Miyerkoles.
"The first time I met Kath while doing 'Hello, Love, Goodbye,' very shy, very timid in a way. She is trying to explore different things pa during that time. But right now, titingnan mo pa lang siya ngayon, you can see the woman she is now," paglalarawan ni Alden kay Kathryn.
"Nakaka-proud lang. She is a strong independent woman," sabi pa ni Alden.
Sabi naman ni Kath, "I would say after this movie, mas nakilala ko si Alden definitely kasi when we did 'Hello, Love, Goodbye' 2019, that was purely work. Wala kaming chance to talk and anything."
"I think malaking part ng chemistry is trust and friendship, and I think that's what we have right now. Hindi mo naman makikilala kung hindi magiging open ang isang tao. Siguro 'yun lang 'yung nakatulong sa aming dalawa. We didn't force it na 'Okay you have to tell me all these things na hindi mo sinasabi sa ibang tao para mas makilala kita," dagdag ng aktres.
Umamin pa si Kathryn na ginamit niyang hugot sa pag-portray sa role ang magaganda at masasakit niyang karanasan sa mga nagdaang taon.
"It made my who I am today. It helped me, all of the experiences. Siguro ngayon iba rin 'yung medyo tumanda ako so iba 'yung kung ipagagawa mo sa akin ang isang eksena noong 2019, tapos ipagagawa mo sa akin ngayon, feeling ko iba ko siya gagawin kasi ang daming nangyari in between those years. And kung ipagagawa mo siya sa akin five years from now, feeling ko iba rin 'yung gagawin ko," paliwanag niya.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News