Ang pagsingaw sa tangke ng LPG o Liquefied Petroleum Gas ang isa sa mga pinagmumulan ng sunog. Sakaling magliyab ang tangke, ano nga ba ang tamang paraan upang maapula ang apoy?
Ang Bureau of Fire Protection, hindi inirerekomenda na buhusan ng tubig ang nag-aapoy na LPG tank, lalo na kung may nakasalang na mantikang niluluto dahil lalong lalaki ang apoy.
Sakaling nagsisimula pa lamang na magliyab ang hose ng tangke ng LPG ipinakita sa demo ang mga tamang paraan para mapatay ang apoy. Panoorin ang video na ito ng "Alisto."
Samantala, alamin din ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nagkaroon ng pagsingaw ng LPG sa bahay upang maiwasan ang pagsabog.
Sakaling may maamoy na singaw ang LPG, huwag magsisindi o magpapatay ng ilaw, huwag magsisindi ng apoy, isara ang valve o balbula ng tangke ng LPG, buksan ang pinto at mga bintana.
Panoorin ang video para sa iba pang tips.
--FRJ, GMA News