Tulad sa Pilipinas, sarado pa rin ang mga paaralan sa Mexico dahil sa COVID-19 pandemic. Kaya nagpapatupad din sila ng iba't ibang paraan ng home schooling tulad online class at paggamit ng telebisyon at radyo.

Ngunit dahil hindi lahat ng pamilya ay kayang mag-online class,  marami ang pinipili ang sistema ng pagtuturo sa pamamagitan ng telebisyon. Iyon nga lang, may mga batang wala ring telebisyon sa bahay.

Kaya naman ang isang guro sa Veracruz, Mexico, naisipang manawagan ng donasyon na mga lumang TV na kaniyang ibinibigay at inihahatid sa mga mag-aaral.

"What I always try to do is to ensure that no student is left behind, that everyone advances, each according to his or her own pace of learning, but that no one is left behind, and even less so because of economic circumstances when we can find a way to support them and we are able to do it," sabi ng gurong si Eliana Montiel sa ulat ng Agence France-Press.

 

 

Marami rin naman ang tumutugon sa panawagan ni Montiel na magdonate ng TV para sa pag-aaral ng mga bata.

Sa video post sa Twitter ng AFP, makikita si Montiel na buhay ang isang TV at personal na inihatid sa bahay ng isang estudyante.

Labis naman ang pasasalamat ng 8-anyos na estudyanteng si Jesús Castellanos, na kabilang sa mga nabigyan ng TV.

"She has brought a TV so that I can do my homework, so that I don't skip my homework. I am very grateful to my teacher," sabi ng bata.

Sa ngayon, tinatayang mahigit 640,000 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Mexico. --AFP/FRJ, GMA News