Pinayagan man ang balik-trabaho at pagbiyahe ng ilang pampublikong sasakyan sa ilalim ng General Community Quarantine, matinding kalbaryo naman ang nararanasan ng mga manggagawang commuter sa tinatawag na "new normal" ngayong panahon ng pandemic dulot ng COVID-19.
Isang halimbawa nito ang salesman na si Ariel Marquez, ng Valenzuela at nagtatrabaho sa Quezon City. Kung dati ay dalawang sakay lang ang kailangan niyang bunuin papunta sa trabaho, ngayon ay apat na sakay na, mas mahal, at may kasama pang mahabang lakaran.
Naging "new normal" na rin ang kaniya ang tripleng gastos sa pamasahe at ang pangamba na baka abutan ng curfew sa pag-uwi na may malaking multa kapag nahuli.
Panoorin ang sakripisyo na dinaranas ngayon ng mga manggagawang commuter sa special investigative report ng "Imbestigador" ni Mike Enriquez.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News