Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho. Pero sa halip na magmukmok, ang iba sa kanila ay gumawa ng paraan upang kumita nang marangal kahit pa malayong-malayo sa dati nilang trabaho.
Tulad ni Michael na isang flight attendant sa isang airline na kabilang sa mga negosyong labis na naapektuhan ang operasyon dahil sa pandemic.
Ngunit dahil may pamilya siyang kailangang buhayin at mga obligasyon na dapat bayaran, kumilos si Michael at naghanap ng ibang pagkakakitaan.
Ang naisio niya, ang pagtitinda ng pagkaing bumuhay din sa kaniya noong nag-aaral pa--ang pares mami.
Kaya naman si Michael, kung dati ay sa paliparan lagi ang punta, ngayon ay sa palengke na para mamili ng mga sangkap na kaniyang lulutuin at kaniyang itinitinda.
Tunghayan sa video ang kaniyang positibong pagharap sa pagsubok, at ang iba pang kuwento ng mga nag-change career dahil sa pandemic para makabangon sa krisis. Panoorin.
--FRJ, GMA News