Tinatayang mahigit tatlong milyong fresh graduates umano ang inaasahang madadagdag sa listahan ng mga manggagawa ngayong taon, ayon sa online job portal JobStreet.com.
Sa pulong balitaan nitong Martes, sinabi ni JobStreet Philippines country manager Philip Gioca, na ngayon pa lang ay mayroon na sa mga ito ang naghahanap mapapasukang trabaho.
"We have to understand that 3.1 million fresh grads are actually the first line of defense in terms of jobseeking, so they will be looking for jobs and continue to strive," ani Gioca.
Sa datos ng JobStreet, makikita ang mga top-paying job mula Marso 15 hanggang Abril 30, kasama ang average salaries at bilang ng mga bakanteng puwedeng aplayan :
*Medical officers - P59,353 (478 available jobs)
*Technical support representatives - P23,000 (735 available jobs)
*Teachers - P22,316 (3,343 available jobs)
*Call center agents - P22,000 (4,989 available jobs)
*Engineer (network, electrical, data, industrial) - P21,700 (482 available jobs)
*Nurses - P20,754 (931 available jobs)
*Customer service representatives - P20,500 (2,090 available jobs)
*Sales agents/ sales executives / sales associates - P19,500 (664 available jobs)
*Data analysts - P16,500 (387 available jobs)
*Admin assistants - P13,019 (1,072 available jobs)
— FRJ, GMA News