Matapos na opisyal na ideklara ang extension ng enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon hanggang May 15, idineklara naman na isasailalim sa general community quarantine o GCQ ang ilang lalawigan.
Ano nga ba ang kaibahan ng ECQ at GCQ, at ano ang mga puwede at hindi puwedeng gawin sa ilalim ng dalawang nabanggit na qurantine measure para mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19?
Alamin din sa video na ito kung ano ang basehan kung anong lugar ang dapat na alisin na sa ECQ at gawin na lamang GCQ? Panoorin ang pagtalakay dito ng "Fact or Fake."
--FRJ, GMA News