Bukod sa pagiging "Rice Granary of the Philippines," nakikilala na rin ngayon ang Nueva Ecija sa pinapauso nilang kakaiba at masarap na "Tilapia" ice cream.
Ang Central Luzon State University sa Muñoz, Nueva Ecija, ang may inobasyon nito kung saan mayroon silang sariling tilapia farm para matiyak na "organic" ang sangkap nilang isda.
Sa likod ng kanilang imbensyon ay halos apat na taon nilang ginawa ang pag-aaral para makuha ang tamang proseso sa pagpapasingaw sa laman ng tilapia.
Panoorin sa programang "iJuander" kung paano nga ginagawa ang Tilapia ice cream.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News