Hirap mang kumilos dahil sa kondisyon nilang polio, nananatiling matatag pa rin ang magkakapatid na sina Rudy, 46, Jessie, 39, at Dominador Raiz, 37, upang harapin ang hamon ng buhay. Panoorin sa programang "Front Row" kung paano nila hinaharap ang kanilang mga pagsubok.

Ipinakita kung ano ang nangyayari sa araw-araw na pamamamuhan ng magkakapatid. Sa tatlo, si Rudy ang may kakayahan pang makatayo at makahakbang pero kailangan niyang gumabay o may hawakan. Kaya naman kaya pa niyang paliguan ang nakababatang kapatid, katuwang kanilang kapatid na babae na si Shirley, na umaalay din sa kanila.

Bagaman polio ang lumilitaw na tumama sa tatlo, hindi pa rin naaalis ang matandang paniniwala na posibleng isinumpa sila ng dating nobyo ng kanilang ina.

Ikakasal na raw kasi dapat ang kanilang ina sa nobyo nito pero inagaw at itinanan daw ito ng kanilang ama. Tunghayan ang buong kuwento ng buhay ng magkakapatid na Ruiz sa video na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News