Kahit marami na ang modernong paraan ng panggagamot ngayon, nananatili pa ring buhay sa South Korea ang alternatibo at tradisyonal na paraan ng medisina na "acupuncture," at personal itong sinubukan ng resident doctor ng programang "Pinoy MD" na si Dr. Rolando 'Doc Oyie' Balburias.
Isang ospital sa Incheon, South Korea ang nananatiling sikat pa rin sa paraan ng panggagamot na acupuncture.
Gaya sa normal na paraan ng pagpapagamot, isinasailalim din muna sa konsultasyon ang pasyente na sasailalim sa acupuncture.
Pero kakaiba ang check-up na isinasagawa tulad ng pagpapasuot ng singsing sa pasyente dahil pinaniniwalaan nilang may koneksyon ang bawat daliri sa bawat organ ng katawan.
Panoorin ang buong pagtalakay ng "Pinoy MD" tungkol sa acupuncture:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News