Sinagot ng mga resident doctor ng programang "Pinoy MD" ang mga padalang tanong ng netizen tungkol sa kalusugan. Isa na rito ang problema tungkol sa makating anit.

Ayon sa tanong ng netizen, tila madilaw at nagkakaliskis ang kaniyang anit, at nangangati kapag naaarawan at kapag kumain siya ng malansa.

Paliwanag ng dermatologist na si Dra. Jean Marquez, posibleng kaso ng seborrheic dermatitis ang nararanasan ng nagpadala ng naturang katanungan.

Pero maaari din umano na ang nangyayari sa anit ng netizen ay reaksyon sa labis na paggamit ng matatapang na kemikal para sa ulo gaya ng shampoo.

Ngunit dahil din sa sinabi ng nagpadala ng tanong na nagkakaroon ng reaksyon ang kaniyang anit kapag kumakain ng malansa, pinayuhan siya na personal na sumangguni sa dermatologist upang makita ang anit at nang mabigyan ng mas nararapat na gamot.

Alamin din ang iba pang payo ng mga duktor sa iba pang padalang tanong tulad sa problema ng isang 14-anyos na netizen na nagsabing mayroon siyang body odor kahit lagi naman siyang naliligo at naglalagay ng pulbo sa kilikili. Panoorin:


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News