Kilala ba ninyo kung sino ang musician, kompositor at guro na kinikilalang 'Father of the Philippine Opera,' at naging dahilan para bansagan noon ang Pandacan sa Maynila bilang "Little Italy" ng Pilipinas.

Si Ladislao Bonus, isinilang noong Hunyo 27, 1854 sa Pandacan, at dalubhasa sa musiko, kompositor at guro sa musika, ang kinikilalang "Father of Filipino Opera."

Sa historical marker na inilagay sa lugar kung saan siya isinilang, nakasaad na itinatag ni Bonus ang kauna-unahang opera company sa Pandacan na binubuo ng mga mang-aawit at musikerong Pinoy.

Ilan sa kaniyang  katha ang "Sandugong Panaginip" ni Pedro Paterno, naglapat sa tugtuging “Recuerdos a la Patria" ni Dr. Jose Rizal, at maykatha ng maraming tugtugin sa zarzuelang Filipino at kantahing bayan na naging dahilan para mabansagan noon na "Munting Italya ng Pilipinas" ang Pandacan.

Sumakabilang buhay si Bonus noong Marso 28, 1908. (Larawan mula sa //nhcphistoricsites.blogspot.com)-- FRJ, GMA News