Nasawi ang isang lalaki na nangisda sa Bislak River matapos siyang malunod sa Vintar, Ilocos Norte.

Sa ulat ni Cris Zuñiga ng GMA Regional TV sa Balitanghali, sinabing nagpaalam ang 31-anyos na lalaki sa kaniyang asawa para mangisda noong Lunes.

Gayunman, hindi na nakauwi ang lalaki.

Martes na namataan ang kaniyang bangkay sa ilalim ng ilog 500 metro ang layo mula sa Bislak River. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News