Nakagapos at may busal sa bibig nang matagpuang ang bangkay ng isang Grade 12 student na babae sa isang lodging house sa Toledo City, Cebu.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabi ng pulisya na lumitaw sa kanilang imbestigasyon na nagpaalam ang 18-anyos na biktima noong Huwebes sa kaniyang mga kapatid na pupunta sa dance practice ng kaniyang mga kaklase.

Ngunit nakipagkita ang biktima sa isang lalaki na nakilala niya online at pumasok sila sa isang lodging house.

Nadiskubre ng roomboy ang bangkay ng biktima nang katukin na ang kuwenrto nito dahil checkout time na.

Hinahanap na ang 43-anyos na suspek na nakuhanan ng CCTV camera.

Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima na aalamin din kung ginagahasa ng suspek.-- FRJ, GMA Integrated News